Limang taon na ang nakalilipas nang isang higante tore ang biglaang nagpakita sa kalagitnaan ng Kamaynilaan. Walang nakaaalam kung ano ito at kung ano ang nasa loob nito. Walang sinuman ang nagawang puwersahang makapasok dito. Ngunit isang bagay ang alam ng bawat tao na nakatira malapit rito: ilang kabataan ang kinukuha nito kada taon at hindi na nakita pa ang mga ito pagkatapos. Alam ito ni Irene Tamayo dahil kinuha ng tore ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki dalawang taon na ang nakalilipas. At ngayon, nakita niya lang ang sarili sa loob ng tore kasama ang kaniyang kaibigan na si Raphael at apat pang kabataan. Lingid sa kaalaman nina Irene ang nakakakilabot na sikreto na tinatago ng naturang tore. Isang malaking laban para sa kanilang buhay ang kanilang kahaharapin. Makalabas kaya sila sa toreng ito? O ito na ang kanilang huling hantungan?All Rights Reserved
1 part