Shinjuku. Ang red-light district ng Tokyo. Itong lugar na ito ang naging kaharian ng isang Filipino-Japanese na hosto na si Tatsuhiro Roman. Top 1 siya sa ranking ng mga hosto sa Cube Club at wala pang nakakatalo sa kanya. Trabaho niya ang makipagrelasyon sa iba’t ibang babae at magpahiram ng panandaliang pag-ibig. Tuso si Tatsu dahil bilang hosto, alam niyang hindi siya pwedeng magkaroon ng attachments. Hindi pwedeng “love” ang magpatumba sa Top 1 position na hawak-hawak niya. Pero paano kung isang araw ay may “Love” na dumating sa buhay niya?
4 parts