The smart girl is just an average person.
..
Kung tatanungin si Krystal kung ano ang nagustuhan niya sa pag-aaral, iyon ay ang mga natatanggap niyang medals at certificates tuwing graduation. Mula pagkabata ay hindi pwede na hindi niya mahihila ang kamay ng kaniyang mga magulang sa stage.
Mataas ang tingin sa kaniya ng mga ka-barangay nila dahil doon. Hindi na bago sa pandinig niya kapag sinasabihan siyang "matalino" at "Nasa lahi na nila ang matatalino".
Kahit na hindi siya ang Top 1 sa kanilang klase, hindi naging hadlang iyon para maging proud sa sarili.
Kaya noong tumuntong siyang High School, hindi naging negatibo ang pag-iisip niya dahil alam niyang kaya niya. Patunay ang nga medals at certificates na natanggap niya mula pagkabata.
Pero gaya ng isang istorya, hindi mo malalaman ang susunod na pangyayari kung hindi mo ililipat a pahina. Walang kang kasiguraduhan sa kung anong letra at mga salita ang nakasulat.
Samakatuwid, wala kang alam hanggang nasa mismong pahina ka na.
Ganoon ang naging sitwasyon ni Krystal. Sa bagong pahina ng buhay niya, marami ang nabago sa buhay niya. Kinuwestyon niya ang talino na mayroon siya at sa mga medalya at sertipiko na natanggap niya.
Dahil sa bagong buhay niya ay napagtanto niyang ang talinong mayroon siya ay hindi kakaiba.
Dahil nang makilala niya ang mga bagong kaklase ay saka lang niya napagtanto na 'sila' ang tinatawag na matalino.
Unti-unti ay nawawala ang sigla niya sa pag-aaral. Ang dating saya niya ay napapalitan ng pagod, takot, at lungkot.
Ngayong nabuksan ang mga mata niya sa katotohanang hindi naman siya pangkaraniwan, hindi niya na alam kung paano siya magsisimula.
Dahil hindi niya alam kung paano siya magpapatuloy ngayong unti-unti ng nawawala ang salitang "matalino" sa kaniyang pangalan.
Ito ang kwento ni Krystal Evanges, isang estudyante na bagong tapak lamang sa Junior High School na ngayon ay hinaharap ang bagong pahina ng kaniyang buhay.
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp?
How can she reign the throne if there's no last section anymore?