Lindsey Abun, isang magaling na negosyanteng bumuo ng sariling pangalan sa larangan ng industriya. Isang dalagang nagmamay-ari ng iba't-ibang uri ng negosyo, gaya na lamang ng alahas, tela, muwebles, mga sasakyan, at marami pang iba. Ngunit sa kabila ng mga pag-aari nito, angkin niya rin ang isang baul, isang kaban ng kayamanang, sinasabing isang dang taong pamana na ng kaniyang pamilya na ipinapasa sa bawat henerasyon. Walang nakakaalam sa lamang ng baul, maging siya man. Hindi dahil hindi maaari ngunit dahil hindi nito kayang buksan. Sapagkat, wala pang nakakabukas ng kaban na ito. Subalit, sinasabing ang baul na ito ay naglalaman nang mas higit pang yaman sa mundo. Hindi man mabuksan ng kahit anong susi o masira ng kahit anong makinarya ay ang tanging makakasira lamang ng kabang ito ay ang pinakamahalagang pisikal na yamang hawak ng tagapangalaga. At sa kasamaang palad, may pag-aari ngang ganoon ang dalaga. Datapuwat, sa panahon ng karangalan at kahangalan, may kakaibang naganap. Isang pangyayaring magwawasto sa buhay ng dalagang inakalang mas mainam mabuhay para sa sarili kaysa maging alipin ng utang na loob at kabaitan. Mababago ba ang buhay ng isang dalagang lumaki sa sarap at kaginhawaan kapag ang ninunong mula sa limang daang taong nakalipas ang magbibigay aral rito? Paano mabubuhay ang isang modernong, mayabang at mapagmataas na dalaga sa panahong mas dukha pa siya kaysa sa mga pulubi ng lansangan.
7 parts