Ang kuwentong ito ay tungkol sa tatlumpung taon na manunulat na nagngangalang si Rheyna Villarosa. Isa siyang mahusay na manunulat na may hindi magandang relasyon sa kaniyang ama, si Rogelio Villarosa na may sakit sa edad na apatnapu. Ang pagtatagpong makikita sa iskrip ay isa na lamang memorya ni Rheyna noong siya'y labing-apat na taon. Sa kaniyang panaginip, ay muli niyang makikita ang ama ngunit nadagdagan ang pangyayari, at iyon ang pagsasabi ni Rheyna sa kaniyang ama ng kaniyang saloobin na hindi niya nailahad bago ito pumanaw. Maeengkwentro rin dito sa kung paano naipapasa ang problema ng pamilya o ang tinatawag nating 'generational trauma' sa mga bata at sa kung paano nito naaapektuhan ang mga susunod pang henerasyon. Written on: May 25, 2023 Published on: March 10, 2024