Bata palang si Shane, alam niya nang kakaiba siya. Bihira kung lumabas ng bahay. Shane always thought that she might be dropped to the wrong timeline.
Matalino, palaging top sa klase, ngunit marami pa rin siyang hindi maintindihan sa kaniyang kapaligiran. Palagi siyang hindi mapalagay. Ang alam niya lang, mayroon siyang hinahanap. Hindi niya lang alam kung tao ba o isang bagay. At wala siyang ibang nais kundi matagpuan iyon. Pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula.
Hanggang sa nakadaupang-palad niya ang isang lalaki na nakilala niya sa isang pharmacy kung saan siya bumibili ng gamot.
Si Enrique, ang onwer at may-ari ng pharmacy. Guwapo, matangkad, at mukhang may lahing espanyol. Noong una'y binalewala ni Shane ang presensiya nito kahit ubod nang pamilyar ito sa kaniya. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unti niyang napagtanto na malaki ang maitutulong ng nito upang malaman ang lihim ng kaniyang nakaraan.
Ano nga ba ang koneksiyon nila sa isa't-isa?
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos