Kilalanin si Margarette Katrice Dy. Isang babaeng galing sa isang maimpluwensyang pamilya ngunit pinipilit na huwag umakyat ang yabang sa kanyang ulo. Isang responsableng kolehiyala, anak, kapatid, kapamilya at isang kaibigan pero ang mga katangian na iyan ay hindi konektado sa kuwento. Medyo lang. Normal na umaagos ang kanyang buhay sa pang-araw-araw. Pumapasok sa eskuwelahan, napapadpad sa mga pangsosyal na club at kung anu-ano pang pangyayari ang nararanasan niyang normal sa pagiging dalaga. Ngunit sa mundong ibabaw, walang permanente. Sabi nga ng mga bitter, walang forever. Isang lalaki ang lalapit at hihingi ng tulong sa kanya. Pilit na sinasabing may misyon siyang mahanap ang apat na lugar. Lalaki nga, pero tao ba? Ha? Ano daw? Hindi tao? Teka, hindi naniniwala si Katrice sa ganyan! *** Unsatellite, 2015. All rights reserved.