Story cover for MARAHUYO (On Going)  by akidablues
MARAHUYO (On Going)
  • WpView
    Reads 24
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 3
  • WpView
    Reads 24
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 3
Ongoing, First published Mar 13, 2024
Ang nobelang ito ay tungkol sa dalawang babae na nanggaling sa magkaibang panahon at henerasyon na nagkapalit ang kanilang kaluluwa at napunta sa isang hindi matukoy na sitwasyon.


Si Lucia ay anak ng isang alkalde sa bayan ng San Jose. Kilala si Lucia sa pagiging mahinhin at pagiging tahimik nito. Siya ay itatakdang ikasal kay Ginoong Karlito. Ngunit isang aksidente ang nangyari kay Lucia at nang magising ito ay hindi niya na kilala ang mga tao sa paligid niya. 


Sa kabilang banda ay ang babaeng si Shula  na nanggagaling sa kasalukuyan na panahon. Kabaliktaran ni Lucia si Shula. Sakit ito sa ulo ng kanyang pamilya. Siya ay maarte, pilosopo, mainitin ang ulo at hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang kanyang gusto. Isang araw ay naaksidente ito at nang magising ay nasa ibang katawan na siya. 


Papaano kung sa mundong napuntahan nila ay makilala nila at matatagpuan ang lalaking iibigin nila ng higit pa sa kanilang inaasahan? 


Tunghayan ang magiging takbo ng kapalaran nina Lucia at Shula at ang pag iibig na kanilang natagpuan sa kabila ng magkaibang panahon na kanilang pinanggalingan.
All Rights Reserved
Sign up to add MARAHUYO (On Going) to your library and receive updates
or
#4modernworld
Content Guidelines
You may also like
Abandoned Life by _Rannie_
6 parts Complete
-COMPLETED- Huwebes, eksaktong alas otso ng gabi. Ang natatanging sandaling magkasama ang pamilya Carmona. Madalas ay abala ang mga ito sa kanya-kanyang ginagawa, kaya hindi maipapagkakailang nakakalimutan ang isa't-isa kahit nakatira lang naman sa iisang tahanan. Sa gitna ng kasiyahan, biruan, maging kwentuhan, eksaktong pumasok ang gulo. Sinira hindi lang ang kanilang ari-arian, pati ang buhay ng iilan sa kasamahan ni Beatrize, ang pangatlo sa anak ng mag-asawang Carmona. Bakit? Bakit kailangang paslangin ang mga taong mahalaga sa kanya? Huli na para tumakas ang dalaga, dinakip siya ng isang lalaking nakakapagtatakang pamilyar sa kanya, kahit pa man may takip ang mukha. May kakaiba sa mga mata nito, tila ba minsan nang nakasalamuha. Sino siya? Sinubukan ng dalagang manlaban, para sa sariling buhay at hustisya na maaaring maibigay pa sa mga nasawing miyembro ng pamilya. Ngunit hindi inasahang mawalan ng kontrol ang sasakyang minamanyobra ng kriminal. Pasuray-suray, sumuong sa ibang direksyon, hanggang mabangga. Isang abandonadong mansyon ang kanilang nabungaran. Bagay na hindi inaasahang nakatayo pala sa naturang lugar. Hindi siya maaaring magkamali, ito ang abandonadong mansyon na madalas mapanaginipan. Ano ang ang meron sa lugar? Kalaunan ay napagtanto ng dalaga na ang bawat nangyayari ay hindi nagkataon, sinadya talaga upang buksan ang isang katotohanan. May kwento siyang dapat malaman. Bagay na kung tutuusin ay dapat patay na ngayon, pinaglumaan na ng panahon. Nararapat lang kalimutan. Ngunit dahil sa matinding damdamin, kagustuhan at pangungulila, ngayon ay muling mamamayagpag. Pinapalibutan ng misteryo ng buong lugar. Misteryong siya ang hinihintay na lumutas.
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23) by KYRAYLE23
51 parts Complete Mature
Namatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,napunta ang kanyang kaluluwa sa Impyerno, kapiling si Lucifer. Sa kanyang pagiging matatag sa pagharap sa anumang pagsubok at parusa'ng iginawad nito sa kanya ay napili sya’ng maging isang alagad nito, ang maging ANGHEL na tagasunod sa lahat na ipag-uutos sa kanya. Ipinadala sya sa lupa upang maghasik ng kasamaan, dalhin sa kalungkutan ang mga masasayang nilalang at iligaw ng landas ang mga taong tagasunod kay Hesus upang mapunta ang kaluluwa ng mga ito sa Impyerno kapiling ang Hari Ng Kadiliman, sa oras na sila'y mawalan na ng buhay dito sa lupa. Ngunit hindi nya ito sinunod. Ang mga masasama ay hinatid nya sa kabutihan, ang mga naghihiwalay na mag-asawa ay kanyang muling pinagtatagpo sa isa't-isa at muling nagkakabalikan, at ang mga naliligaw ng landas ay muli nyang ibinalik kay Hesus. Lingid sa kanyang kaalaman, may isang nilalang na mula sa kalawakan ang lihim na nagmamasid at natutuwa sa kanyang kabutihang ginawa, na magbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa. Paanu uusbong ang pag-iibigan ng dalawang nilalang na nanggagaling sa magkaibang mundo? Hanggang kelan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-ibig? May bukas ba'ng naghihintay para sa dalawang nilalang na wagas na nagmamahalan? TUNGHAYAN ANG PAG-IBIG NG ISANG ANGHEL MULA SA IMPYERNO! ang ANGHEL NI LUCIFER!!! ----------------------------------------------------------------------------------------------- Please vote and leave comments below. Any suggestions are welcome. Hope you enjoy reading. God bless!!!
You may also like
Slide 1 of 9
KASUGPONG NG KAHAPON cover
Hanggang Dito Na Lang cover
JOURNEY TO FOREVER (TIMELESS ONES SEQUEL: UNEDITED_ TO BE PUBLISHED UNDER PHR) cover
Abandoned Life cover
I don't like.. LIKE YOU!! (gxg) cover
His Psychiatrist [COMPLETED] cover
WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED] cover
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23) cover
WRONG CHOICE, WRONG MOVE  (ONCE THERE WAS A LOVE Series) cover

KASUGPONG NG KAHAPON

31 parts Complete Mature

Halos labing-walong taon na iniluha ni Alvaro ang pagtalikod ni.Mirasol sa kanilang sumpaan bago niya natanggap na hindi silang dalawa ang magkatadhana, si Gilda iyon at ang tatlo niyang anak dito. Bumangon uli si Alvaro, muling binuo ang sarili pabalik sa pedestal na dati niyang daigdig. Wala sa hinagap niya na nag-aabang si Marione sa kanya- ang tulay na pabalik kay Mirasol Muling susugpong ang kahapon sa kasalukuyan. Sino ang.pipiliin ni Alvaro? Si Gilda ba na natutunan na niyang mahalin o si Mirasol na may-ari sa kanyang puso? Ang nobeleng ito ay.kathang-isip lang ng may-akda at walang pinagbasehang pangyayari . kung may makakahawig sa mga pangalan o sa pangyayari ay hindi sinasadya. 1. Is love to fair to feed among pain? . 2. Love sometime needs pauses and rest and a cure for broken hearts... but it doesn't mean forgeting. stygianblack Kung magustuhan ninyo ang nobela kong ito ay paki-share sa mga friends n'yo.