#Sacrifice, lahat tayo ay gagawin o ginagawa ito. Halimbawa na lang, yung mga kabataang tumigil muna sa pag-aaral upang magtrabaho kaya nila ginawa yun ay upang matulungan nila ang mga magulang nila. Nagsacrifice sila para doon. Meron namang aakuin ng isang tao ang kasalanan ng kapatid,kaibigan o kahit na sino para lang hindi ito masisi o mapagbintangan. #Fear, nararanasan natin ito sa kahit na anumang bagay. Halimbawa, ayaw natin na may mawala sa mga minamahal natin kasi natatakot tayo. Ikalawa, ayaw nating masaktan ang minamahal. And last, ito yung taong takot na takot magmahal or di kaya pumasok sa isang relasyon. Lahat ng ito nararanasan natin. Itong mga pagsubok na ito? Hindi ito maiiwasan. Bawat pagsubok kailangang harapin. Marami pang mga pagsubok na mararanasan natin. Kung nadapa o nabigo ka man sa isang pagsubok na feeling mo ngayon mo lang naranasan, wag kang magpapatalo, tumayo o bumangon ka at harapin ang mundong kinagagalawan mo. Pero kailangan.. Meron kang malakas na pananampalataya sa Diyos at yon ay lagi mong dadalhin kahit saan ka man magpunta. Itong story na ito ay tungkol sa dalawang tao, isa sa kanila noon ay nagsacrifice at may kinatatakutan na kahit na anuman. Tao man yan, bagay o isang pangyayari sa kanilang buhay. Ngunit sila'y hindi pa lubos na magkakilala kahit na sa iisang paaralan at magkaklase lamang sila. Ano kaya ang maaaring mangyari sa buong buhay nilang dalwa? Kung sakaling maging magkaibigan sila, hanggang doon lang ba iyon o mas hihigit pa doon?
22 parts