February 2, 2023 Dear Notebook, Sumakay ako ng jeep papuntang school, Friday ngayon kaya commute ako. Hindi kase magpapasahero ang tatay ko dahil coding ng jeep nya. Sobrang aga ko ngang gumising dahil 7 am ang start ng klase ko. Ang masaklap pa pagdating ko sa school postponed bigla ang klase namin ng umaga na yon dahil may conflict daw sa schedule ng professor namin. Hays! Edi nganga kami. Pero okay lang kase beshy waps!!!! May nakasabay akong gwapo sa jeep! Another funny thing ka schoolmate ko pala syaaaaa! Kilig thing? Wellz.. pag akyat ko sa fifth floor nandoon sya.. tapos magkatabi kami ng room. I can feel him gazing at me nung sabay kaming nagbukas ng pinto ng aming respected rooms. Gosh, act fool ako pero CRUSH KONA SYA!! Ano kayang pangalan nya?.. hmm Hoping to see you again my mysterious crush :)