"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na contractual marriage lamang iyon, minahal niya si Ezekiel De Silva at labis siyang nasaktan. Kaya naman napagdesisyunan niyang sumama sa ibang lalaki habang dala-dala sa sinapupunan ang kanilang anak. Ngunit hindi niya aakalaing mahuhulog lamang siya sa patalim sa piling ng bago niyang kinakasama at mapunta sa black market para sana'y ibenta sa kung sino-sinong lalaki. At ang pinaka-masama pang pangyayari sa kaniyang buhay ay malaman na ang bumili sa kaniya ay walang iba kundi ang dati niyang asawa na si Ezekiel. "Why did you leave me three years ago? Did you know what hell I've been living all this time without you?! How could you have a child with him?!" He drunkenly yelled at her, crying in pain. Matapos nitong saktan ang puso niya ng paulit-ulit noon at alipinin siya ngayon, bakit ito umaasta na parang mahal siya nito? Bakit umaakto si Ezekiel na parang siya pa ang may malaking kasalanan kung bakit niya ito iniwan noon? Subalit hindi niya lubos akalain na unti-unting mabubunyag ang mga lihim at sikreto, maging ang mga taong nasa likod ng kanilang nasirang pag-iibigan.
22 parts