LA HERMOSA SERIES #1
Gayuma?
Akala nila ginayuma niya ako. Akala nila mangkukulam siya. Pero hindi...
Sobrang ganda niya. Sobrang bait niya.
At para nga'ng gayuma; ang katauhan niya'y nakahahalina. Nang makita nilang lahat ang tinatago niyang mukha, alam ko ang reaksiyon nila, ramdam ko sila. Dahil gaya ko...sila'y natulala.
...
Aswang, mangkukulam, at kampon ng kadiliman; iyan ang tinatawag ng mga tao ng La Hermosa kay Hera at sa kanyang ina na si Aling Dolores. Dahil sa kanilang mahaba, kulot, at buhaghag na buhok, agarang hinuhusgahan at nilalait sila ng tao. Tinatago na lamang ni Hera ang sarili sa hoodie at facemask.
Hindi niya inasahang masamang trato ang bubungad sa kanya. Ibang-iba sa buhay nila sa Manila. Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa rin siyang mababago niya ang pananaw ng mga tao sa kanila.
Kahit sa pag-aaral niya sa PSU, ang nag-iisang state university sa La Hermosa, hindi pa rin siya nakaiwas sa mga mata at bibig ng mga estudyante. Nakaranas siya ng pambubully. Pero sa gitna ng lahat, may isang lalaki siyang napansin: si Ruch Delgado. Sa lahat ng lalaking nakilala niya, ito lamang ang nakapukaw sa kanyang atensyon. Maliban sa pagiging mahitsura nito, ito rin ay mabait at matulungin. Ngunit hindi niya inasahang ang lalaking hinahangaan niya... ay biglang mahuhuli niyang palihim na ginugupit ang kanyang kulot na buhok.
Hanggang sa ang simpleng paggupit nito ay dinala sila sa mas malalim pang ugnayan...
Date Started: April, 2024
Date finished: _____
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos her ex pretended to be. She knows that he's off-limits, but when circumstances keep bringing them together, maybe fate's got other plans.
****
After getting drunk from a stupid mistake, Swan Tamitha Dominica wakes up in a room that's not hers, stark naked. As she tries to move forward from the humiliating one-night stand, she comes face-to-face with the man whose photo her internet boyfriend used to scam her. The man is Roosevelt Sanvictores, a handsome billionaire and it's not difficult to like him--only if he's not off limits. Determined not to fall for him, Tamitha puts up her walls. But when her heart screams to tear her walls down and she discovers the past she shared with Roosevelt, will she finally listen to her heart?
Disclaimer: This story is written in Taglish.