Ang Ikatlong yugto ng Mortel Siblings The Series. "Ano tong ginawa mo sa'kin. I could get you out of my head! " -Kiss Andrei Mortel ------------------------------- Anak sa pagiging disgrasyada. Yan ang laging tampulan ng tukso kay Kier sa tuwing siya'y lalabas ng bahay. Nagmulat sya sa mundo na tanging ang inang sekyu lamang ang kasa-kasama sa buhay at nanatili iyon hanggang sa sya'y lumaki't nagkaisip. Gwapo't sadyang attractive si Kier nung magbinata na dulot ng kakisigan na namana nito mula sa kanyang tatay na intsik kaya naman hindi maiwasan na pakitaan ito ng motibo ng iilan. Ngunit tanging sa pag-abot lang ng kanyang pangarap nakatuon ang isip nito dahil sa kagustuhang iahon sa hirap ang kanyang nanay. Subalit pano kung isang araw, magtagpo ang landas nila ng isa sa mga kilalang mag-aaral sa unibersidang pinapasukan? Pano na? Magagawa pa kayang magpukos ni Kier sa kanyang mga plano kung pilit siyang ginugulo ng isang Kiss Andrei Mortel? Ano kaya ang kahihinatnan ng pagtatagpong ito? Well, tunghayan natin ang istoryang pag-ibig ni boy tsinito at ni kending mysterio-gwapito. -------------------- Note: This is a BL or Boys love kind of series. Hindi rin magaling na writer si author kaya pagpasensiyahan nyo na. Sana mag-enjoy kayo sa munti kong akda. Kung di nyo pa nababasa ang book 1 at 2 ng series na ito ay pumunta lamang sa akin profile. Thank you and happy readingAll Rights Reserved