Nang maghagis yata si Lord ng kamalasan sa mundo, nasalo na yata ni Jeferylle ang kalahati. She was cheated by her boyfriend. Ang masaklap, hindi sa babae siya ipinagpalit kundi sa lalake. Ang sakit no'n sa parte niya. Maganda naman siya, mabait at matalino naman. Pero bakit kung ipagpalit siya, ganoon na lang kadali? Kapalit-palit ba siya? At sa lahat ng pasakit at pagkainsulto na naramdaman at naranasan niya, doon umusbong ang pagkamuhi niya sa mga guwapo. Hanggang sa ang naging motto niya ay 'basta guwapo, bakla' Pero mapaglaro ang tadhana. Napunta siya sa isang Thirdy Villanueva. But before she went there and met him formally, she met him 4 years ago, at her darkest time. And gave her the best reason to survive. But the weirdest part is that, he doesn't seem to remember her..