Anika Veronica Santiago x Xian Kristoff Del Solar [COMPLETED] STARTED : 05/19/2025 FINISHED : 10/01/2025 Gagawin ni Anika ang lahat para sa kaniyang ina-kahit ang pumasok sa isang kasunduang hindi niya inakalang papatulan niya. Isang simpleng guro na baon sa utang, biglang magiging fiancée ng isang bilyonaryo. Para kay Xian Kristoff Del Solar, negosyo lang ang lahat. Kailangan niya ng mapapangasawa para makuha ang kaniyang mana at mapatahimik ang kaniyang ama. Isang kontrata, dalawang taon, at isang mahigpit na panuntunan: Bawal mahulog. Pero sa bawat titig at bawat sandaling magkasama sila, unti-unting nawawala ang hangganan ng pagpapanggap at katotohanan. Hanggang kailan nila kayang panindigan ang isang dula-dulaan kung ang puso na nila ang nagsisimulang maningil? Sa larong puno ng sikreto at kontrata, sino ang unang bibigay?
More details