this story is full of erotic stories where the places, people, mga nakikita dito ay kathang isip lamang
"Ang sabi nila, once pumasok ka sa Sex University, hindi ka na lalabas na ikaw pa rin."
Sa isang mundo kung saan ang karanasan, tukso, at lihim ay syllabus ng bawat araw, sumilay ang Sex University isang prestihiyosong paaralan na hindi mo ikasadya ngunit hindi mo rin matakasan dahil bawat sulok ng paaralan ito makikita mo ang iba't ibang klase ng tao kung gaano ito kahayok sa pakikipagsex walang hintuan walang tigil at walang lusot kung sakali man ikaw ang maging target.
Dito, itinuturo hindi lang ang teorya ng pisikal na katawan-bagkus, sinasalamin ang sining ng pagnanasa, sikolohiya ng pagmamahal, at emosyon na hindi sumasagot sa mga tanong ng moralidad. Sa bawat lecture hall, sa bawat dormitoryo, sa bawat hallway-may mga lihim na naghihintay, mga hangganang hinahamon, at mga pangarap na itinatanim sa gitna ng kapalaran.
Pero mag‑ingat sa Sex University, wala kang garantiyang walang masasaktan. May mga puso ring mabibigo, mga pangakong malilimutan, at mga sarili na mababago.
Ito ay kung saan titibay ang loob, lilinisin ang mga pangarap, at susubukin ang mga kahinaan. Sa dulo ng bawat semestre, ang tanong ay: magiging ikaw pa rin ba ang ikaw, o mabibigo kang magbago?
"Minsan, ang halimaw na tinatakbuhan mo... siya rin ang tanging yakap na hinahanap mo."
Sa ilalim ng katahimikan ng isang university town, sunod-sunod na bangkay ng mga estudyante ang natatagpuan-lahat may parehong marka: sugat sa leeg, dugo na sinipsip hanggang wala nang matira.
Si Adriel Casius Ramirez isang tahimik at ordinaryong estudyante, ay biglang napagitna sa lahat ng ito. Habang tumitindi ang imbestigasyon ng mga pulis, siya naman ang nakikitang palaging may sugat, palaging nandyan sa paligid ng krimen. Lahat ng mata nakatingin sa kanya. Lahat ng bulong, sa kanya nakatutok.
Pero ang hindi nila alam-hindi siya nag-iisa.
Sa bawat dilim ng pasilyo, sa bawat lamig ng hangin, nariyan si Kael Dimitri Valencia-isang nilalang na hindi lubos maipaliwanag. Siya ang humahabol kay Adriel, humahawak, humahalik, at dahan-dahang nilalamon ang katawan at kaluluwa niya. Hindi alam ni Adriel kung halimaw ba talaga si Kael, o kung bahagi lang siya ng isip na unti-unti nang nababaliw.
At sa pagitan ng takot, pagnanasa, at kasinungalingan, natutunan niyang walang ligtas.