
isa lang siyang ordinaryong tao na may mga kaibigan na mapagmahal at maalahahanin na handang ialay ang lahat para lamang sa kaniya na lubos niyang minahal dahil sa suporta at pagmamahal na binibigay nito sa kaniya. Masaya at payapang pamumuhay ang meron siya na pinagpapasalamat niya sa may taas dahil pinagkalooban siya ng ganitong klaseng buhay kahit na minsan o kadalasan ay naawa siya sa ibang taong miserable ang buhay pero wala siyang magagawa dahil hindi naman niya alam ang ugat ng problema ng mga ito, Minsan pa ay binibigyan niya ng isang munting yakap ang mga ito dahil hindi siya makatiis na titigan lang ang mga ito kahit na sa munting yakap lang ay gumaan ang pakiramdam nila ay gagaan nadin ang puso niya. Lagi siyang tumutulong sa may nangangailangan, pisikal man o mental ay wala siyang pinipili dahil para sa kaniya ay hindi dapat pinapalampas ang ganito lalo't tao rin sila kagaya ng iba na may pakiramdam at kailangan ng pagmamahal at seguridad mula sa ibang taong gustong magbigay sa kaniya nito, wala naman sigurong namimili wala naman sigurong tumatanggi at wala naman sigurong kailangan ng kayamanan para sumaya o paumanhin meron nga ba? paniguradong mayroon pero may natitira paring mga taong naghahangad ng pagmamahal kesa sa pera. Sa gitna ng walang katapusang tanong at walang hintong pag iisip sa sagot ay biglang nagbago ang lahat at ginawang kabaligtaran ng buhay na meron siya na matagal niyang iningat ingatan kaya naman muli siyang napaisip sa kaniyang isipan at pilit hinahanap ang sagot sa pinakakaibuturan ng alon ng mga gulo sa kaniyang pagiisip pero nalulunod lang siya sa wala at bumabalik sa umpisang paulit ulit.All Rights Reserved
1 part