Nagising ako ng may sumapak sa akin. Napabalikwas ako ng bangon susugurin ko na sana kung sinuman ang gumawa non ng mabungaran ko ang galit na anyo ni Dante. "Wal@nghiya ka Vin!" Akmang susuntukin uli niya ako ng pigilan siya ni Victoria! Ano bang ikinagagalit niya? Para natulog lang naman ako kagabi dahil nalasing na talaga ako tapos heto at may ganitong drama na itong si Dante. Sinapo ko ang bahagi ng panga ko na tinamaan nito ng suntok. "Ano bang problema mo Pare? Natutulog ang tao eh." "G@GO! PAP@T@YIN KITA!". Kumawala siya sa pagkakahawak ni Victoria at sinugod ako ng biglang may tumili sa gilid ng higaan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino yun! Saka ko lamang napansin ang itsura nito wala itong ibang saplot kundi ang nakabalot na kumot sa katawan! "R-Roanne!?" Naguguluhang sambit ko paanong narito siya sa Kubo ko ay sa mismong higaan ko pa! Lalong nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ko ang kulay pulang mantsa sa tela ng higaan ko saka sunod-sunod na humikbi si Victoria para awatin ang Asawa. "T-tama na, Dante. Please... Natatakot ang Anak natin! Pag-usapan nyo na lang ito ng maayos! Wag yung ganito!" Matalim akong tinitigan ni Dante bakas sa mukha nito ang panlulumo lalo ng makita ang dugo sa higaan ko. Nagtangis ang mga bagang nito. "Mag-uusap tayo Gavin." Mariing saad niya saka binalingan ang Anak. "Magbihis ka Roanne at wag kang lumabas ng bahay! Grounded ka!" Namamasa ng luha ang mata ni Roanne ng sulyapan ako. Hindi ko alam kung anong nangyari! Tumalikod ako para maisuot niya ang bestida niya. Gumalaw ang kutson senyales na tumayo na siya inalalayan pa siya ni Victoria habang umiiyak saka sila lumabas ng kwarto ng maliit kong Kubo. "Anong nangyari, Gavin?" Bagsak ang mga balikat ko sabay yuko. "Wala talaga akong maalala Pare. Lasing na lasing ako kagabi." Tumalikod si Dante at lumabas na rin ng Kubo ko. Rinig na rinig ko ang palahaw ng iyak ni Roanne parang pinipiga ang puso ko pero hindi tama ang nangyari sa amin.All Rights Reserved