MHST Volume 2: TAGOS - Isang dalaga ang napaulat na nawawala. Naglaho ito habang nagaganap ang pagdiriwang ng pista ng patron ng bayan ng San Idelfonso. Sa kabila ng pagpupursigi ng mga magulang upang mahanap ito, sadyang walang ginawa ang mga kinauukulan upang matagpuan ito. Sa halip, ay binusalan pa ng mga nasa kapangyarihan ang bibig ng katotohanan, sa pangambang, makaaapekto ito sa imahe ng kanilang tahimik na balwarte. Lumipas ang mga taon, tuluyan nang nabaon sa limot ang kaso. Bumalik ang katahimikan sa bayan ng San Ildefonso, ngunit para lamang muli itong bulabugin ng mas malalang ingay ng katotohanang hindi na nila mabubusalan pa. *** MHST Volume 2: TAGOS Mga Hiwaga sa Takipsilim Series Writer: Angela Atienza Content Editor: J. del Rosario Book Cover Design: S.F. Malinit