Ang kwentong ito ay tungkol kay Book-Lee, isang nimpa na galing sa nayon ng Bukabook. Simula noong umalis siya sa kaniyang bahay, lagi siyang nag-aalala tungkol sa mga posibilidad ng buhay, at hindi rin siya mapanatag sa kaniyang hinaharap. Upang matigil sa ganitong pag-iisip si Book-Lee, na siyang nakakaapekto sa kaniyang mga kapatid, nag-utos ang Hari ng mga nimpa sa kaniya na lumuwas sa mga kalapit na nayon. Kinakailangan niyang makalikom ng isang sako ng mga amag para sa hinaharap na Pagdiriwang ng Nimpa. At ang kabilin-bilinan ng kanilang hari sa kaniya, ay kailangan niyang bumalik sa kaharian bago ang kanyang ika-25 na araw, dahil kung hindi, mapapahamak ito.