Naniniwala ba kayo sa gayuma? Totoo ba ito?
Meet Samantha, isang moderna, maganda, sexy, matalino at edukadang babae. Ang sabi niya, hindi daw siya naniniwala sa gayuma dahil panahon na ngayon ng robots, internet, computers at modern technology at naglipana na din ang mga modern gadgets. Ang sabi pa niya, kahit kailan ay wala pa siyang alam na ebidensiyang makakapagpatunay na totoo ang gayuma, kung totoo ngang may ganoon noong panahon ng kanyang mga ninuno. At higit sa lahat, kung sakali mang ito ay totoo at may mga gumagawa nito, naniniwala siyang hindi niya kailangan yun!
Pero ano ang ginagawa niya sa Quiapo isang araw ng Biyernes? Bakit siya palihim na bumibili ng mga secret ingredients? Para saan ang mga iyon?