Sa paghawi ng ingay, Pagyakap ng sandali, Nakaraan ay lalapit. Paligid na likas na mapanlinlang, Mga aninong nagmamasid, Katotohanan ay ihahatid. Sa pagyakap ng dilim, Takot ay nasa paligid, Bakas ng iyong liwanag ay susundin. Pinakatatagong lihim, Sa ngalan ng pag-ibig, Binhi ay uungkatin. (March 30, 2024 to February 8, 2025.)All Rights Reserved