Sasha Hernandez. Studyante sa umaga, pwedeng kargador sa gabi. Studyante sa umaga, magsasaka sa susunod na araw. Pero lingid sa mga nakakakilala sa kaniya--siya ay isang freelance writer na ginagawang side hustle ang pagsusulat para makapag-ipon para sa nalalapit na graduation. Siya ay si Miss Broken kung tawagin ng kaniyang mga readers. Dahil ang lahat ng mga katha niyang nobela ay puro nagtatapos sa malungkot na kabanata. Kung hindi magkakatuloyan-ay may magwawakas ang buhay. Pero paano kung ang lahat ng ito ay minsan na palang nangyari? Mababago niya ba ang matagal ng nakasulat sa kaniyang kapalaran?
7 parts