Ang huling kabanata ng pekeng Literature Club ay hindi lamang nagtatapos ng isang kwento, kundi nagsisilbing simula ng bagong yugto para sa Special Investigations Unit (SIU) ng Undercover Operations Division. Sa panibagong misyon ni Rosalinda Almazan, dala niya ang mas matinding layunin at determinasyon. Ngunit sa kanilang pagsisiyasat, makakaharap ba ng SIU ang pinakadelikado at lihim na kalaban-si Leviathan, ang huling miyembro ng Herald Mortiferum? Ang sagupaan nila ay magpapasya sa hinaharap ng SIU at maglalantad ng mga lihim na matagal nang nakatago. Sa bagong direksyon ng kanilang kwento, ang mala-empyernong mga plano ng Herald Mortiferum ay magdudulot ng mas matinding kaguluhan sa bansa. Magiging malaking hamon para sa SIU ang paglutas ng mga misteryo at pagbibigay-proteksyon sa mga tao sa Pilipinas. Habang dumarami ang mga kasong kanilang hinahawakan, lalo namang bumababa ang kanilang pagkaunawa tungkol sa organisasyon. Maraming buhay ang nalalagay sa panganib, at lalong lumalala ang sitwasyon, na nagdadala ng dilim sa mga mata ni Rosalinda. ✎ᝰ: Bolyum 2 ng 3 Junko Ito: Bago basahin ang kwentong ito, unahin munang basahin ang Work of Fiction. Genre: Mystery/Thriller (Detective Fiction) Babala: Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga nakakagambalang tema na maaaring hindi angkop para sa ibang mambabasa. Kung hindi ka komportable sa madidilim na eksena, nakaka-trigger, at sensitibong paksa, huwag ipagpatuloy ang pagbabasa. *** Nagsimula: 04/29/24 Natapos: 01/27/25All Rights Reserved