Bilang isang multong hindi makatawid sa kabilang buhay, heto ako nakasunod at nakabantay sa babaeng mahal ko. Naaalala ko kung anong kinamatay ko, pero pagkatapos non, wala na. Nalaman ko na lang isang araw, isa na akong multong gumagala sa mundo. Hindi ko alam paano makakatawid, ayokong sundan si Arvi pero hindi ako makatiis na hindi sya makita. Ang kaso nasasktan ako sa tuwing nakikita kong may ibang tao nang gumagawa ng mga bagay na ako ang gumagawa sa kanyang nung mga panahong buhay pa ako. Kung makakahiling ako kay bathala, kung bibigyan nya ako ng pagkakataong mabuhay uli, hihilingin kong sa kasalukuyang panahon pa rin at makasama si Arvi hanggang sa susunod kong buhay.Pero, may pag-asa pa kaya? Pwede pa kaya akong mabuhay hangga't hindi pa ako nakakatawid sa kabilang buhay?