Sa paglayas mula sa buhay na puno ng tanong at hinanakit, hindi inakalang mapapadpad si Arfhille Walton sa isang lugar na estranghero sa kanya, malamig sa paningin ngunit tila tahimik at ligtas sa pakiramdam. Isang bagong simula, isang bagong pahina. Ngunit may mga lugar na kahit mukhang payapa, ay may itinatagong kwento.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, napabilang si Arfhille sa isang seksyon kung saan siya lamang ang nag-iisang lalaki. Ang kanyang mga bagong kasamahan - puro babae - bawat isa ay may sariling misteryo, kakaibang aura, at personalidad na mahirap basahin. Sa bawat ngiti, sa bawat tingin, may mga tanong na sumisilip, na tila may nais sabihin ngunit hindi masabi.
Habang sinusubukan niyang hanapin ang kanyang lugar sa mundong ito, unti-unting mabubuksan ang mga pintuan ng isang kwentong matagal nang nakatago sa dilim. Sa lugar kung saan siya napadpad, bawat hakbang ay tila gabay patungo sa isang lihim na noon pa pala ay nakapaligid sa kanya.
He sought freedom, but fate lured him into a place where secrets aren't just hidden - they're alive.
Hi! Gusto kong baguhin ang una kong pinublished dito, dahil feeling ang pangit at ang boring ng takbo ng story nito....i guess???
Don't worry the character will be the same kahit iba na ang takbo nito at nagbago na ang mga scene. Pero sana suportahan nyo po ito.
I know im not good in making or writing stories and i know im not professional pero kahit sa ganun sana basahin nyo parin ito.
Hindi lang ito ang ginagawa kong story, meron pa akong mga on going na stories, at please sana basahin nyo rin ito at suportahan.
This story is a work of fiction. Names, business, incident, events and places are either the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons living or dead are purely coincidental.
Don't forget to vote and comment.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
«Incredible_one»😎