Ako Si Jhondel L. Calivugan,ay Isang Ulilang Lubos na sa aking mga magulang dahil noong ako ay mag labing 15 taong gulang ay basta basta na lamang akong Hindi sinipot ng aking ina sa aming bahay Kubo sa bukid Simula ng ito'y makapagtrabaho sa syudad.Nakagawian kasi niyang umuuwi sa aming bahay sa bukid tuwing matatakipsilim pero Isang araw ay di na talaga siya umuuwi. Tanging mga kamote at saging na lamang ang Panay na kong kinakain para lang mabuhay sa mundong ito.Hanggang Isang araw ay nagpasya akong lumuwas sa kabilang bundok kung saan abot tanaw ang malapalasyo at magarang bahay ni Donya Daniela upang magbakasakaling mamamasukan na katulong.Hindi naman siya nabigo at agad siyang tinanggap bilang katulong dahil lingid sa kanyang kaalaman na si Donya Daniela ay nangarap na minsan na magkaanak ng binabae dahil puro lalaki ang tatlo niyang mga anak na sobrang gwapo.Halatang may pagkabakla kasi itong si Jhondel kaya iyon ang nakapagpapaaliw Kay Donya Danielle para tanggapin siyang katulong sa kanilang pamamahay.Labis labis Ding natuwa sina Alfred at Dave na pawang magkapatid dahil maging sila man ay naaaliw sa mga binabae palibhasa maganda ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang ana at palagi Silang tinuturuan ng magandang asal at Pag respeto sa mga LGBTQ.Tanging si Clarence lamang na Panganay sa magkakapatid na lalaki ang Hindi nasiyahan Kay Jhondel bilang kanilang panibagong katulong dahil siya yung magpapaalala sa kanyang pinakamamahal na bisexual lover na nagtaksil sa kanya sa kabila ng Matinding PAGMAMAHAL na ipinagkaloob Niya.All Rights Reserved