18 parts Ongoing MatureHindi tanggap ng kaniyang papa ang pagiging lesbiana niya kaya naman sa edad na disi-sais ay lumayas si Les sa puder nito. At sa puder ng kaniyang Tita Daisy sa Manila siya nakahanap ng bagong tahanan, tanggap nito kung sino siya kaya dahil katulad niya ay parte rin ito ng tinatawag na LGBTQ+ community. Ito na ang nagpaaral at nagpalaki sa kaniya.
Tatlong taon siyang naging malaya sa lahat, nakapag-aral siya sa sikat na unibersidad sa Manila. She is also became one of the famous volleyball player in NCAA.
She already have the girl of her dream. Things go according to her plan, hanggang sa hindi inaasahang pangyayari ang nagdala nang napakalaking problema sa kaniyang buhay. Dahilan para bumalik siya sa lugar na kaniyang kinamumuhian.
Ang Hacienda Parmisano.
Ang mabaho, nakakasulasok, at nakakadiring lugar para sa kaniya. Wala siyang balak na i-take over ang lugar na iyon, dahil wala roon ang hilig at puso niya.
Ngunit sa tuwing sinusubukan niyang umalis ay lagi naman nariyan si Bean para sukatin ang pasensya at halaga niya bilang isang Parmisano.
Ang nag-iisang lalaki sa hacienda na kayang pantayan ang pagiging sakit ng ulo niya.
Ngunit sa huli kailangan niyang pumili.
Ang pangarap o ang pagiging heredera?
Ang dikta ba ng puso o isip?
Lalaki, babae o binabae?