Sabi nila sa isang grupo ng mag kakaibigan ay may isang may iba ng nararamdaman sa isa nilang kaibigan, minsan hindi totoo, pero madalas ay oo. Pero sa kaso ni Chito, hindi niya lang ito basta kaibigan na nakakasama tuwing breaktime, kasama sa mga lakad o sa gala, dahil hindi lang basta kaibigan si Darla para sa kanya. Pamilya. Pero sabay ng pag tanda nila ay ang pag babago ng dalawang ito, pero tila hindi niya matanggap ang pag babago ng babaeng minamahal na niya ng husto.