Bestfriend. Ano nga ba ang bestfriend ?? Ano rin ba ang mga katangian ng dapat na so called bestfriend ?? Ito yung mga Taong mas excited pa sayo kapag birthday mo. Sila ang dahilan kapag nabubuking ka kung sino ang crush mo. Mga taong kapatid mo sa ibang nanay, di mo kadugo pero mahal mo. Eto rin yung samahan na mayroong tiwala sa isat-isa, Kahit na magkakaiba kayo ng ugali, pananaw o estado sa buhay ,Nagagawa pa ring makipagsabayan sa isat-isa. Sila rin ying matuturi mong sandalan kapag ikaw ay may mabigat na problema.Magsasabi na 'Ang tanga tanga mo talaga' kapag nabigo ka sa pag-ibig , imbis na comforting words ang ibigay , harsh words ang binibitawan . Kusa silang dumadating sa atin at kung minsan ay hindi natin namamalayan na nandyan na sila. Ang pagkakaroon ng bestfriend ay pinapatatag ng tiwala, pagmamahal at pagkakaunawaan , para lng rin ito sa bf o gf , ang pinagkaiba nga lang , wala itong cool off , wala ring break up, kaya pahalagahan hanggat nandyan pa