Si Hara ay naglilibot-libot lamang sa sarili nilang isla na ibinili ng kanyang ina pero hindi niya sinasadyang makakita ng gubat. Sa pagiging kuryos ng dalaga ay ka agad niya itong pinasok at doon niya napag alaman na maganda ang gubat na kanyang pinasukan. Hanggang sa paglubog ng araw ay doon niya pa naisipang umuwi pero hindi niya na matukoy kung saan talaga siya dumaan at napagtanto niyang nawawala na siya sa gitna ng kagubatan Ngunit sa isang biglaang pagkakataon, napadpad na pala siya sa unang panahon ng Korea, sa panahonng dinastiyang Goryeo Nagulat si Hara nang makita niya ang sampung prinsipe ng Goryeo o tinatawag silang Wang-gi, na hindi niya inaasahan. Ang mga prinsipe na pinangunahan ni Prinsipe Wang-woo, ay nagulat din sa kanyang prisensya. Hindi nila alam kung sino si Hara at kung saan man ang pinang gagalingan niyang lugar Sa simula, ay hindi nila maiwasang magtaka dahil sakanyang pananalita at parang ngayon lang sila nakarinig ng lenggwaheng nasasabi ng dalaga kaya nag dududa sila na hindi talaga taga Goryeo ang dalaga at gusto nila itong paalisin sa kanilang lugar Habang lumalalim ang kanilang pagsasama at pagkakaibigan ay nagkaroon sila ng pagkakakilanlan at pagtitiwala sa babae at yun ay ang hindi rin nila inaasahang mangyari... ang mahulog sila sa dalaga Ngunit ang pagdating ni Hara ay hindi lamang nagdala ng pag-asa, kundi rin ng mga pagsubok na darating sa kanyang buhay na ikakapahamak niya sa kanyang sarili. At ang puwersang naghahari sa ibat ibang lugar ng Korea ay hindi niya kayang labanan Sa gitna ng mga pagsubok at mga hamon sa buhay, magiging mahalaga ba ang pag-ibig at pagtitiwala ni Hara sa mga prinsipe o magiging dahilan lang ito ng kanyang pagkawala at pagbagsak?All Rights Reserved