Ang iyong tahimik at maganda mong buhay ay biglang naglaho ng dumating ang isang lalaki na walang ginawa ay gawing miserable ang buhay mo,
Ang isang araw na bangungunot para sayo ay biglang naging araw-araw dahil sa lalaking iyon,
Ang buhay mong parang hangin sa mga tao ay biglang nawala dahil kung ikaw ay nagsasalita,naglalakad,tumatawa at kumikilos ay pinapansin na ng lahat ng tao,
At dahil iyon sa lalaking iyon.
Pero darating ang araw na nahulog ang loob mo sa kanya,
Kung dati ay naiinis ka kung nakikita mo siya, ngayon ay hindi ka nagiging masaya pag hindi mo siya nakikita ,
Kung dati ay wala kang pakialam kung may mga babaeng lumalapit sa kanya,ngayon ay naiinis at nagseselos ka kung may lumalapit at kumakausap sa kanya,
Kung dati masaya ka kung hindi mo siya nakakasama,ngayon ay nalulungkot ka at hindi buo ang araw mo pag hindi mo siya nakakasama,
At ang araw na bumalik ang babaeng naging mahalaga sa lalaking mahal mo,
Anong gagawin mo?
Magiging masaya ka ba o malungkot dahil nakasama niya na ang totong mahal niya,
Magiging tahimik na ba ang buhay mo pag iniwan ka niya?
Ito ang istorya na nahulog ang isang babae sa isang superstar na hindi niya inaasahan.
Please read this story,
Ang istoryang ito ay hango sa true life ni author ngunit karamihan dito ay kathang-isip lang.
Enjoy reading! :D
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.