"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalino at mayaman, ay hindi bagay sa isang katulad mo. Hindi kita mahal. I'm sorry." At saka siya tumalikod. Eh lechugas naman talaga oh! Sinong niloloko niya?! Hayop siya!! Gusto ko siyang ibitin patiwarik! Pakainin ng apoy! ilibing ng buhay! At anong sinabi niya?! GWAPO? MATALINO? MAYAMAN? Hindi bagay sa akin?! Eh saksakan naman pala ng hangin itong lalaking to! Pero teka, sinabi ba niyang... Hindi niya ako mahal? Oh hindeeeeeeee! T_______T
36 parts