Roses and Flame (Completed)
(ORIGINAL VERSION)
Ayokong kinokontrol ako ng kahit na sino. Walang dapat na nagdedesisyon para sa sarili ko kundi ako. Giordani Soleen Perez is so particular in living her life. Sigurado siya ro'n kaya nga ayaw niyang magpakasal dahil lang sa sinabi ng pamilya.
She is so determined to free herself from their commands and rules. Kaya naman ay naisip niyang magpanggap na may mental illness para maisakatuparan ang nakahandang plano. She became a rebel on her own. Idagdag pa ang suporta ng mga kaibigan, naging mas klaro sa kanya ang nag-iisang bagay na gusto niyang gawin. Ang lumayo sa pamilya at tumira sa Siargao.
Malayo sa problema. May kalayaan. Kaya niya. Iyon ang laging naiisip sa nagdaang dalawang taon. But what is life without a twist?
Paano kung sa kagustuhan niyang makalayo at makalaya, siya pa mismo ang lumapit para muling maikulong?
Paano kung ang taong akala niya'y naiwasan niya ay nagbalik para sa isang bagay na matagal na sanang nangyari?
Flame is never good for the roses. When it gets closer, it will burn for sure!
It will burn them all.