NANINIWALA KA NA BA ? VOL.1
  • Reads 3
  • Votes 0
  • Parts 7
  • Reads 3
  • Votes 0
  • Parts 7
Ongoing, First published Apr 12, 2024
Mature
Baguhang pulis pa lamang si Patrolman Del Rosario, o mas kilala bilang "Liam", ay nabigyan na sya ng isang mabigat na misyon. Ito ay upang imbestigahang muli ang mga kasong isinara na bilang "Unsolved" o "Mystery". Ang mga kasong ito ay may kinalaman sa mga pagpatay na naganap sa Metro Manila, sa loob ng isa't-kalahating taon hanggang sa taong 2044. Sa bilis at dami ng mga pagpatay na ito, nakaka-alarma na ito para sa mga kapulisan ngunit hindi nila ito isinasapubliko. 

Pumayag si Liam na gawin ang misyong ito nang mag-isa, base na rin sa kagustuhan ni Colonel Bernabe. Sa pag-iimbestiga ni Liam ay nakilala ang isang babaeng nagngangalang Maki Buenavista, isang Call Center Agent, ang naging witness sa isang insidente ng biglang pagkawala ng isang bata.

Inilahad ni Maki na ang misteryosong pagkawala ng katawan ng bata kasama ng ama nito habang naglalakad, hapon ng mga oras na iyon, ay hindi isang kabaliwan. Bali-balita na ang katawan ng bata ay napalitan ng katawan ng puno ng saging na syang hawak-hawak ng ama nito. Base kay Maki, ang katawan ng bata ay dinakip ng isang mabilis at malakas na nilalang sa isang higlap lamang. 

Hindi kapani-paniwala kay Liam ang salaysay ni Maki sa una dahil, sino nga ba naman ang maniniwala sa ganoong kuwento? Nagpasya na lamang si Liam na tulungan at kupkupin si Maki dahil iniisip nyang nasisiraan na ng bait ang babae.

Sa paglalahad ni Liam ng kanyang mga impormasyon kay Col. Bernabe, sapat na ang mga iyon upang makumbinsi ito kaya naman ay ipinakilala niya kay Liam ang bagong operasyon at ang syang popondo at mangunguna sa kanila na si Mr. Chiong, ama ng isang biktima ng pagpatay ng mga halimaw. Kahit ganoon, iniisip ni Liam na nasisiraan na sila ng bait.

Ngunit isang gabi, nagbago bigla ang lahat nang atakihin ang dalawa ng mga halimaw na syang bumago sa pananaw ni Liam. Laking pasasalamat na lamang nito na tumulong sa kanya ay walang iba kung hindi ang natitirang "Haribon", ang kanya mismong kapitan na si Capt. Erick Marasigan.
All Rights Reserved
Sign up to add NANINIWALA KA NA BA ? VOL.1 to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Special Section (Published under Pop Fiction) cover

Special Section (Published under Pop Fiction)

45 parts Complete

The students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmates. How can Rhianne stop the killing when anyone can be the killer? Will she be able to find the killer before the killer finds her? *** When Rhianne transferred schools and became a part of Special Section, she thought she belonged to the best. But one day, everything started to crumble down. Their teacher left, attitudes have changed, and a curse has been causing their classmates to die. At this point, anyone can be considered as the killer-the person whom you considered as a friend might actually be the one who would stab you to death. Can the group of Rhianne be able to find the truth and catch the killer before it's too late? DISCLAIMER: This story is written in Taglish.