Aglaea Roseanne Villarin isang anak mayaman na pilit tatakasan ang marangyang pamumuhay. Gardencio "Gunner" Montalbo ay isang masungit at gwapong binata na pilit tinatakasan ang dating buhay. Dalawang taong merong magkaibang nakaraan at kasalukuyan pero pilit paglalapitin ng mga sekreto sa buhay nila. Sa kabila ng malayong agwat ng pamumuhay at pagkakaiba ng ugali ay pilit nilang matatagpuan ang mga sarili na hinahanap ang presensya ng isa't isa. Paano mo lalayuan ang isang taong unti-unti mong hinahanap sa bawat araw? Paano mo tatakasan ang mga nakaraang hinihila ka pabalik dahil sa mga sekretong pilit mong kinakalimutan?