Ayon sa sabi-sabi, kapag naglakad ka sa gabi sa may Acacia Drive sa Lower Campus at mistula kang may dinadalang mabigat sa loob mo - siyempre hindi bagay ang pinaguusapan natin dito kasi kapag college kana at dinadamdam mo pa rin ang mga walang kuwentang bagay ay magaakala ang mga kaklase mo sayo na pabebe ka - may sasalubong daw sayo na lalaking nakasalakot at nakasuot ng kamisa't chino para kaibiganin ka at dinggin ang mga pinoproblema mo. Sinasabi ko lang naman kung ano ang nadinig ko mula sa iba. Marami akong pinagdaanan sa unang taon ko sa Unibersidad ng Hilaga, ngunit sa pangalawang taon ko lang nalaman na sa mundo, lalong-lalo na sa kolehiyo, meron palang limang klase ng multo. ... Ang tanong ngayon ay, bakit nga ba sila naging mga multo? Ang sagot sa tanong na iyan ang dahilan ng pagbubukas ng mga mata ko. Ngunit gusto kong magtapat bago pa magsimula ang kwento, na noong una pa man ay hindi ko talaga binalak na makakita o makihalobilo sa kahit anong klase ng multo.
5 parts