Sa mundong ito walang katiyakan ang lahat.
Walang katiyakan kung kailan tayo mawawala.Ika nga ng iba una-unahan lang yan.
Sa mundong ito ng walang katiyakan maraming taong masama,halang ang kaluluwa't bituka.
Hindi mo malalaman kung ito nga ba'y may mabuti o masamang intensyon .
Ang bawat tao'y may kanya-kanyang buhay,maaaring may maayos ang katayuan ngunit magulo naman ang pamilya,may iba naman na maayos ang pamilya,ngunit ang katayuan sa buhay ay miserable.
May kasabihang "ang panginoon ang magtatakda sa atin "
Dahil sya lang ang may karapatan at kakayahang gumawa nito.
Patunay na ang Dyos ay ang pinaka makapangyarihan sa lahat at tunay na sya ay dakila.
Sa ating buhay laging tayong may dinadalang sakit at problema,malaki o maliit lahat gagawin upang masulusyonan.Kung minsan gustuhin mang sumuko wala tayong magagawa,kailangan pa nating lumaban sa hamon ng buhay na kahit nakakamatay ay papasukin masulusyonan lamang ang problemang nagpapabigat sa ating mga dalahin sa araw-araw na ginagawa ng Dyos.
Ika nga "may plano ang Dyos sa atin" ang salitang ating kinakapitan upang magkaroon ng lakas pa ng loob,naghihintay,nag-aabang ng tamang panahon upang makaahon sa dilim patungong liwanag,ang liwanag sa dilim.....