Alas kwatro ng madaling araw nang magising ako. Inaantok man ngunit kailangan kong bumangon dahil ihing-ihi ako. Dahan-dahan kong tinanggal ang paang nakadantay at mga kamay na nakayakap sa akin. Napalingon ako sa maliit na may-ari nito.Di ko mapigilang mapangiti. Mahimbing itong nakatulog. Naibaling ko ang aking paningin sa katabi nitong malaking bulto, like his daughter peacefully sleeping. Napatayo ako ng deretso ng bahagya itong gumalaw. Nasapo ko pa ang aking ulo at napapailing. At naalala ang aking sadya. I am about to take steps nang marinig ko ang binitawan nitong kataga. I froze. I froze for a moment. Para akong naparalisa. I think I even forget how to breath. Nang mapakurap ako'y walang alinlangan na nilingon ko ang natutulog na bultong iyon. His dark eyes are open. Tumaas-baba ang aking balikat kasunod ay napaatras ang aking mga paa kasabay ng pag-alsa ng magkahalong kaba at takot habang nakatingin dito.All Rights Reserved