"Pare Mahal na ata kita alam kong hindi tama pero eto yung nararamdaman ko" sabay tinignan nya ako ng masinsinan. Alam kong namula ang mukha ko sa sinabi nya sa hindi malamang dahilan. Kinikilig ba ako? "Steven?! Bakla ka na ba?!" Sabi ko sa kanya at binatukan ko sya. Eh gago kasi eh! Hindi nakakatawa ang joke nya! Hindi ako bakla ha! Never. "Hahah! Yung mukha mo kanina! Haha! Priceless! Happy April fools day Zachirace! Hahaha!" Sabay tawa nya ng pagkalakas lakas. Habang tinitignan ko sya para bang nag-slow motion ang paligid at ang daming fireworks! Sabog lang ba ako? O sadyang May nararamdaman lang talaga ako? At doon nagsimula maging sobrang gulo ng aking buhay. Hayop ka Steven Lux Acuerte.