Started: 04/20/2024 Promises should not be trusted. Ang hirap palang hindi mapili sa mga sitwasyong gusto mong ikaw naman yung piliin. Ang hirap umasa sa taong puro disappointments lang ang tanging alam na gawin sayo. Umaasa na balang araw sa kabila man ng bilang ng tyansang ibinigay, ay kayang magbago. Akala ko nahanap ko na yung taong pipili sa akin sa mga panahong hindi ako kapilipili. Sa mga panahong ikaw yung pipiliin kapag nasa sitwasyong walang kasiguraduhan. Dahil sa'yo, sa'yo, sa'yo lang sigurado. Akala ko nakita ko na 'yung taong mas makakapagbigay sa akin ng pagmamahal na hindi ko maibigay sa sarili. Siya yung naging mundo ko. Ang naging safe place ko sa mundong magulo. Ang naging sandalan ko sa mga panahong gumuguho ang mundo ko. Siya ang nakasaksi kung paano naging mapait sa akin ang mundo. Ang tanging tahanan ko.