"Iiwan mo ako??" wika ko habang nag uunahan bumagsak ang aking mga luha mula sa aking mga mata.
"Bakit??, Bakit at paano mo nagawa saakin ito??" Sigaw ko sakanya, dahil hindi ko na kayang kimkimin ang nilalaman ng aking damdamin.
"Kinaya ko lahat, kinaya ko kahit magkalayo tayo, kinaya ko kahit napaka hirap, kinaya ko kahit sa mga oras na gustong gusto kitang makasama" wika ko habang humahagulgol sa iyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Pero putcha, akala ko kasi ikaw na, akala ko ako lang, akala ko ikaw nayung future ko, akala ko sabay tayo, akala ko lang pala lahat, sa isang iglap nawala lahat ng mga pangako at pangarap"
"Ganon nalang ba ako kadaling palitan??
Ganon nalang ako kawalang halaga sayo??
Ako na walang iniisip kundi future ko at
future mo, tapos ikaw!?" wika ko na halos
gusto ko na syang saktan pero hindi ko
magawa.
Tanging hagulgol ko lang ang naririnig sa buong paligid tila bang sarili ko lang ang aking kausap, wala akong nakuhang sagot isa man sa mga binitawan kong salita, kaya mas lalo akong napa hagulgol sa sakit na aking nararamdaman.
Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks?
Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!