Simula Paano kapag nalaman mong ginamit ka lang ng taong mahal mo? na pinaikot ka lang niya sa palad dahil sa kasalanan na wala kang kaalam-alam? "Dok kumusta po ang nanay ko?" Hindi ko na alam. Gulong gulo na ang pag-iisip ko. Hindi ko pa kaya. please huwag ngayon. "sorry Bernadette but the patient is dying. She has stage 4 cancer. Himala na lang ang kayang makakapagpagpagaling sa kanya. I'm so sorry." natulala ako sa sinabi ng doctor. Hindi pwede to. Hindi ko kayang mawala ang nanay ko. Alam kong hindi niya ako iiwan, hinding hindi niya ako iiwan. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. Pero peste talaga ang mga traydor na luhang to. Bakit ba hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luhang to? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam. Bakit ba nangyayari to sa akin? sa kadami daming tao dito sa mundo sa akin pa talaga bumagsak ang suliraning to. Hindi naman ako masamang tao, pero bakit? Pinahid ko ang mga luhang kanina pang lumalandas sa aking pisngi. Ayokong Makita ng nanay ko na umiiyak ako. Matatag ako at kaya ko to. Normal lang naman ang umiyak di ba? ayan na naman sila, ang mga nagbabadyang luha. Tumingin ako sa itaas at ipinaypay ko ang aking mga kamay para hindi ito tumulo. "Kaya ko to!" Pumasok ako sa puting silid kung saan nakaratay si nanay. Nakita ko sa mga mata niya na sobra na siyang nahihiraan. Mahigit apat na taon na din kaming nakikipaglaban sa cancer na umuupos ng kanyang buhay. Lumapit ako at hinawakan ang kanyang namumutlang mga kamay. "nay" pinipigilan kong hindi tumulo ang mga luha ko pero bakit ba hindi sila mapirmi sa loob ng aking mga mata. Ayan at tuloy tuloy na naman ang pagbagsak nila. "Bernadette" pilit niyang inaabot ang pisngi ko para punasan ang mga luhang lumalandas. Ngunit hinawakan ko ang kanyang nanginginig na kamay. "Nay lalaban tayo ha. Kaya natin to. Mahal na mahal po kita." Mayroon na din na luhang lumandas sa kanyang mukha. "Berna, Mahal na mahal kita anak." feel free to leave your comments or suggestions:))All Rights Reserved