crush starts with your eyes likes starts with your mind and love... kailan mo nga ba masasabi na mahal mo na ang isang tao? 'pag ba masaya ka kasama sya? 'pag ba kompleto ang araw mo ng dahil sa kanya? 'pag ba nasasaktan ka sa tuwing may kasama siyang iba? kailan? kailan nga ba? Ang totoo ay hindi natin alam. Hindi natin kayang sagutin ang mga katanungang ito kung ang simpleng kilig ay hindi pa natin nararamdaman. Kung dumating man ang tamang panahon na maramdaman na natin ang totoong pag-ibig, kailan mo naman masasabi na nasa tamang tao ka na. Sapat na ba ang dahilan na mahal mo sya at mahal ka niya? Paano nga ba?