"Sana isang masakit na kagat ng langgam lang ang nararamdaman ko, ngunit hinde. Ang sakit ay tagos sa aking puso" Sa isang iglap, naglaho ang saya sa buhay ni Cordelia Seraphina Velasquez. Iniwan siya nang biglaan ng kanyang minamahal na si Rowan Mateo Gonzales, at hindi na nagparamdam. Walang paliwanag. Walang dahilan. Ang sakit na naramdaman niya ay malalim at walang katumbas na paliwanag. Kaya may tanong na naglalaro sa kanyang isipan, "Bakit?" . Hindi niya maintindihan kung paano at bakit ang taong akala niya'y magpakailanman na niyang makakasama ay mawawala na lang ng ganun-ganun na lamang. Dahil ang pag-ibig na inalay niya ng buong puso at ang mga pangarap na binuo nilang dalawa, naglaho lang na parang bula.