Sa isang malupit na trahedya, isang babae ang tinaguriang bilang siya lang ang natitirang saksi ng pagkawala ng kanyang pamilya sa isang misteryosong pangyayari. Ang bawat alaala ay puno ng lungkot at pagdaramdam, habang siya ay patuloy na humahanap ng kasagutan sa mga tanong na hindi kayang sagutin.
Sa kanyang pangalawang buhay, bumangon siya sa isang bagong katawan, isang babae na may kakaibang aura ng kagandahan subalit may kabangisang hindi inaasahan. Ang bago niyang pagkakakilanlan ay sumalubong sa kanya ng mga hamon, lalo na't siya ay contradiction - mayroon siyang kagandahan na nakakabighani ngunit ang kanyang pag-uugali ay kabaligtaran. Siya ang uri ng babae na maituturing na maldita - palaging mayroong matalim na dila at matapang na pananalita na nagpapakita ng kanyang pagiging mapang-api at walang pakundangan sa damdamin ng iba. Kaya sa bago nyang buhay ay haharapin nya Ang mga pagsubok na naghihintay sa kanya.
Sa pagtahak niya sa bagong mundo, nasaksihan niya ang kagandahan at kababalaghan ng mga mythical creatures at ang kaharian ng mga may kapangyarihan. Sa isang paaralan kung saan ang mga estudyante ay may natatanging kapangyarihan, kanyang natutunan ang pagtanggap sa sarili at sa iba, habang hinaharap niya ang mga banta at hamon ng mga kaaway.
Sa kanyang paglalakbay, nakilala niya ang mga bagong kaibigan at pamilya na nagmamahal sa kanya, at sa huli, natagpuan niya ang isang lalaking magdadala sa kanya sa liwanag mula sa dilim. Ang kanyang puso ay binubukas sa bagong pag-asa at pag-ibig, habang siya ay humaharap sa mga panganib at pakikibaka ng mundo ng mga nilalang ng kadiliman at liwanag.
The Mysterious Girl of Clantania Academy(The missing Princess)
65 parts Complete
65 parts
Complete
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the Mysterious Girl.
Little did people know that she was more than a Mysterious Girl...Behind the cloth that covers her face, is a face of a Goddess. How could Clantania Academy change her life?
Who is she? A never been told story that will surely capture your heart and imagination.
English/Tagalog Story
Highest ranking #2 in fantasy