Dear Superman, Love Inday Bote
By: Arem Gia Providence Santos
Dear Superman,
Fan po ako ng Forevermore at crush ko po si Enrique Gil.
Favorite ko din po ang letter “S” at color Red, Yellow, and Blue.
Idol ko din po si FPJ kaya like ko po ang patilya na hairdo.
Pangarap ko pong maging beauty queen at makapagsuot ng pulang kapa na gaya ng sainyo.
At higit sa lahat, gustong gusto ko ang mga weird na fashion statement gaya po ng kung paano nyo isuot ang brip niyo.
Ako nga po pala si Inday Bote, isang lihim na tagahanga ng bato-bato pong katawan mo.
Meron po akong maliit na business – Kalakal on Wheels.
Kayod marino, ronda patrol, sigaw duon sigaw ditto, yan po ang job description ko.
Kilatisin ang mga bote – in all sizes and shapes, yan naman po ang special skills ko.
Meron po akong mga superfriends na dwende, may mga superpowers din po sila tulad mo. Pero di naman po nila mabibigyan ng solusyon ang problemang meron ako. Hindi naman daw kasi sila si Kupido para panain ang puso ng iniibig kong superhero.
Kaya nagsuggest nalang sila na gumawa ako ng isang makabagbag damdaming sulat – yung parang pang MMK, ilagay ko daw sa loob ng bote tapos ihagis ko sa dagat.
Baka daw kasi may sgipin kang nalulunod na bata, matanda, buntis, o bulag na babae, minsan daw kasi suma-sideline kang lifeguard, swimmer ka daw kasi dati.
Oh diba? 100% probability – may chance na makita mo itong bote.
Ang tawag daw dun ay IRONY, ay este, DESTINY.
Diretsahan nap o, gusto po kita and I think in love na po ako.
Sabi kasi nu ng Grade 1 teacher ko (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa) kung mangangarap ka daw dapat yung mataas. Eh, kaya pinili ko si Superman, sa taas ba naman kasi ng lipad niyo, siguradong kotang kota na ako.