Namatay sa panganganak ang kapatid ni Charlie May Banua kaya naman sa edad na biente ay siya ang tumayong ama at ina ng pamangkin niya. Sa kanya ihinabilin ng kapatid ang kakasilang pa lang na sanggol. Tahimik lang ang buhay nilang mag-tita hanggang sa aksidenting na nabunggo ito ng isang sasakyan. Agad itong dinala sa hospital upang mabigyan ng lunas. Dito niya Rave David Tolentino, isang billionaire at businessman. Unang kita pa lang ni Charlie nito ay walang duda na ito ang ama ng pamangkin dahil sa resemblance nila. Isa pa nakita niya ang picture nito sa mga gamit ng ate niya. Walang balak ang dalaga na sabihin sa huli ang tunay na relasyon nito sa pamangkin ngunit kailangan masalinan ang pamangkin ng dugo upang maisalba ang buhay ng pamangkin. Ano ang gagawin ni Charlie May? Hahayaan na lang ba niyang tuluyang malagay sa panganib ang pamangkin o pikimata niyang aminin sa lalaki na ito ang ama ng bata?