She has given it enough time, grabbing every chance and opportunity, taking risks and actions, just so "they" could happen. Ngunit, gaano man kahaba ang pisi, darating at darating ang puntong matatapos ito at mapuputol. Marahil iyon na ang tamang panahon upang s'ya na mismo ang kusang magpalaya sa kanyang sarili mula sa tanikala ng kahapon-at bigyan naman ang iba ng pagkakataong maipamalas sa kanya at maigawad ang ang pagmamahal na matagal n'yang hinintay at hinanap.. Ngunit, makakaya n'ya kaya-lalo't isang makabuluhang rason ang nagbibigkis sa kanilang tadhana?