House. Nest. Iyon ang kahulugan sa pangalang Ashyana. Pero tila ba kabaliktaran n'on ang pangalang mayroon siya. Sapagkat ulila siyang lubos at tanging ampunan lang ang itinuturing niyang tahanan. Pinagkaitan siya ng lahat, namuhay na kontrolado ng iba ang buhay na pagmamay-ari niya. Pero paano kung dumating ang araw na isang estranghero ang napadpad sa orphanage nila at handa siyang ampunin? Kalayaan ang matagal niya ng hinihiling at pangako nito iyong ibigay sa kanya, subalit mangyayari lamang iyon kung susundin niya ang magiging kapalit sa nasabing pangako. Kaya lang, paano kung ang kapalit ng kalayaan niya ay isang bagay na mas magkukulong sa kanya panghabambuhay? 15 Chapters Only